in

Bakit maraming mag-asawa ang madalas pag-awayan ang pera?

Sa mahabang panahon, isa sa mga katanungan ng marami ang bagay na ito. Bakit maraming magasawa ang madalas na nagaaway ng dahil sa pera? Maraming relasyon at pamilya ang nasisira ng dahil sa pera? Na kung tutuusin isang bagay lang na pwedeng kitain at gawan ng paraan ninyong dalawa.

READ ALSO, Doug Kramer and Cheska Garcia reveal the ‘third party’ in their marriage

 

Isang TV-Radio perosnality ang nagpahayag ng kanyang kaalaman tungkol dito. Si sir Vic Garcia ay isang kilalang motivational speaker, best-selling author, business consultant at life and financial coach hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa din.

Sa kanyang 9 minute minute video na pinamagatang “Pera ko, Pera mo?”, ipinaliwanag ni sir Vic ang kanyang nalalaman tungkol sa tanong ng bayan, bakit maraming magasawa ang madalas pinagtatalunan ang pera. Narito ang kanyang suhestiyon para sa mga nakararanas nito.(a)

ALAMIN ANG PROBLEMA

Kung ang pagsasama niyo ay gaya ng iba na may kanya-kanyang pera at naguutangan, maganda ito kung tutuusin pero maaaring magdulot daw ito ng malaking problema. Sa pagiging magasawa sinasabing two person become one. Kung baga hati na kayong dalawa sa lahat ng bagay. Sa gastusin sa bahay at sa mga pangangailan ay pwede na kayong maghati magasawa.(a)

 

Ngunit sa paraang ito, may sariling pera ang bawat isa sa inyo na pwede niyong gastusin sa lahat ng bagay at paraang gusto niyo. Ang malaking problema dito, dito nagsisimula ang tukso, bisyo, alak, sugal pambabae. Paano kung pareho na kayong mawalan ng pera, ang ending, uutang na kayo. Paano naman maiiwasan ito?

ALAMIN ANG SOLUSYON

UNDERSTANDING THE LAW OF CONJUGAL PROPERTY

Pag ang isang couple ay nagpakasal, kung ano ang kay mister ay kay misis narin. Kung ano ang kay misis kay mister narin, even before kayo magpakasal, lahat ng meron kayo ay magiging conjugal matapos kayong ikasal, ito ay under the family code, nasa batas. Pero ang mga kinasal bago ang petsang August 3, 1988 ay hindi kasali sa law na ito. Except sa mga gumagawa ng prenup agreement.(a)

UNDERSTANDING THE LAW OF CONJUGAL DEBT

Hindi lang ang ari-arian ang conjugal pag kayo ay kasal. Pati ang utang ay conjugal narin. Ang utang ni mister, utang ni misis. Ang utang ni misis ay utang din ni mister. Kaya importanteng dalawa kayong nagdedesisyon sa paggastos ng pera.

READ ALSO, One Month After The Challenge, The Poor Remains Poor While The Rich Becomes Richer, The reason is truly surprising

1 PRACTICE CONJUGAL SPENDING

Ang pagkakanya kanya ng gastusin ng magasawa ay hindi matatawag na conjugal. Dapat laging dalawa kayo. Ibinahagi ni sir Vic ang paraan ng conjugal spending nilang magasawa. Pag may bibilhin ang bawat isa sa kanila ang kailangan mag agree daw pareho. Pag hindi mag agree ang isa hindi niyo bibilhin ang bagay na iyon. Bukod sa makakaiwas na kayo sa gastos, makakatipid na kayo makakaiwas pa kayong magasawa sa posibleng problema sa pera sa hinaharap.

PRACTICE PRIVILEGE SPENDING

Bigyan ang bawat isa ng petty cash para magkaron ng pera pambili ng pangregalo sa bawat isa o pang treat sa inyo nang hindi na kailangan ang approval ng bawat isa. Iba ito sa conjugal spending dahil sa privilege spending ay maliit na halaga lamang ang pwede mong gastusin ng walang paalam. (a)

SPEND AT THE POINT OF YOUR STRENGHT

Sino ba ang dapat humawak ng pera? Ang lalaki ba o ang babae? Payo niya, ang dapat na humawak ng pera ay kung sino ang mas magaling sa pag manage at pag budget. Eto ay dapat pinaguusapan ninyong magasawa upang maging tama ang paghawak ng income at savings niyo. K

Panoorin niyo po ang buong video at ang iba pang payo ni Sir Vic Garcia.

Narito ang ilang comments ng mga netizens sa turo na ito.

(a)

(a)

MORE ON OUR WEBSITE,

“Ang pera ko, pera ko; ang pera niya, pera ko pa rin! – Judy Ann Santos Agoncillo

Agree po ba kayo dito? Subaybayan si sir Vic garcia sa kanyang Facebook Page para sa iba pang mga payo tiyak na makakatulong sa inyong pamumuhay. Ibahagi niyo ito sa iba para makatulong din.

For more news and latest updates, feel free to visit our site often. Thanks for dropping by and reading this post.

SOURCE: YOUTUBE; FACEBOOK
THIS BLOG CLAIMS NO CREDIT FOR ANY IMAGES POSTED ON THIS SITE UNLESS OTHERWISE NOTED. IMAGES ON THIS BLOG ARE COPYRIGHT TO ITS RESPECTFUL OWNERS. PHOTOS USED ARE FOR ILLUSTRATION PURPOSES ONLY. WE DO NOT OWN THE PHOTOS AND NO COPYRIGHT INFRINGEMENT IS INTENDED IF THERE IS AN IMAGE APPEARING ON THIS BLOG THAT BELONGS TO YOU AND DOES NOT WISH FOR IT APPEARS ON THIS SITE, PLEASE E-MAIL WITH A LINK TO SAID IMAGE AND IT WILL BE PROMPTLY REMOVED.

 

One Ping

  1. Pingback:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Comments

comments