in

“Sumosobra na ang pakialamerang biyenan ko!” – Hinaing Ng Isang Inang Naghahanap Ng Payo

Madalas tayong nakakarinig ng iba’t ibang inspiring stories ng mga babaeng swerte sa kanilang asawa at mga in-laws. Nakaka proud naman talaga kung tutuusin ang mapasama sa isang masaya at mabuting pamilya. Ngunit hindi lahat ay lubos na pinagpala sa bagay na ito. Marami din mga nakakalungkot na kwento ang mababasa natin sa social media. (a)

Gaya ng lang ng isang karanasan na ibinahagi ng isang mommy sa isang online parenting forum. Sa mga groups at forum lang na ito nailalabas ng mga kagaya niyang ina ang kanilang mga saloobin na hindi nila magawang ibahagi sa kapamilya nila.

FOR OTHER STORY, READ ALSO, “Alam kong mali ako.” Mother Of The Child Left Inside The Car Defended Herself

(a)Ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa kanyang biyenan na di umano’y msyado nang naghihimasok sa kanilang buhay magasawa.

Nang minsan ay umalis siya sa bahay para mag-grocery, dinatnan na lang niyang kalbo na ang kaniyang baby!

Depensa ng kaniyang pakialamerang biyenan? Para daw gumanda ang tubo ng buhok ng bata.

Naiintindihan naman daw ito ng nanay. Ang hindi niya gusto ay ang pagpapakalbo sa anak niya ng walang permiso mula sa kaniya. Pinalampas niya ito dahil humingi ng paumanhin ang kaniyang biyenan.

Ngunit hindi lamang ito ang ginawa ng mother-in-law niya. Maraming pagkakataon na hindi nirerespeto ng biyenan niya ang mga desisyon niya bilang ina at asawa. Kadalasan, wala sa lugar ang pangingialam ng nito sa buhay nila.

Katulad na lamang ng pagbisita nito sa kanilang bahay noong Pasko nang walang paalam. Kahit na mayroon siyang sakit ay pilit pa rin nitong pinaghahalikan at nilaro ang baby. (a)

Ayon sa The Asian Parent  “Communication is key when someone steps over your own personal or parenting boundaries.” Ito ay advice ng isang parenting expert na si Julie Romanowski in Vancouver tells Global News Canada. Maaring hindi alam ng taong nangingielam kung saan at paano lulugar sa bagong buhay ng kanilang kaanak.

READ MORE, Wife Unfriended Her Husband On Social Media, The Reason Why Will Make You Think Twice

(a) Dagdag pa dito ang katotohanang naging masyadong malapit ang ating asawa sa kanilang magulang, kaya naman hindi madali na basta na lang hayaan ang kanilang anak sa bagong pamilyang kanyang binuo. Kung ganito ang sitwasyon, resposibilidad mong sabihin sa kanila ang iyong saloobin.

Maari nating ipakita at patunayan na sa kanila na kaya niyo nang patakbuhin ang sariling pamilya.

Ibinahagi sa isang article ng Huffington Post, nirerekominda ng clinical psychologist na si Samantha Rodman ang mga tips na ito:

– Anong klaseng relasyon ang gusto mo sa mga in-laws mo? Kailangan malinaw sa iyo kung gusto mo bang maging close kayo, civil lang, o nagkikita lamang tuwing may okasyon.

Sa tingin mo ba kaya ninyong mag-biyenan na magkaroon ng ganitong klaseng relasyon? Kaya bang mag-adjust at makipagkasundo ng mother-in-law mo? O sa tingin mo ba hindi siya bukas sa pagbabago? Maging makatotohanan at iakma ang relasyon na gusto mo sa relasyon na kaya ninyong pangatawanan. (a)

Paano kayo makakapag-move on sa mga nakaraang isyu? Huwag mag atubili na humingi ng payo sa ibang mga kaanak o kaibigan na napagdaanan na rin ang sitwasyon ninyo. Maging bukas sa iba’t ibang pananaw.

– Ano ang puwede mong gawin para marating ang klase ng relasyon na gusto mo? Simulan sa mga simpleng bagay tulad ng pag-iwas sa pakikipagtalo sa maliliit na bagay tuwing bumibisita ang biyenan o di kaya pagpapaliwanag ng maayos kapag ikaw ay nasasaktan sa mga nagawa o nasabi niya.

READ MORE, 

Misis: “Kabit ng Asawa Ko… si Yaya!”

(a) – Mag-set ng boundaries o mga limitasyon—pisikal man o emosyunal. Halimbawa ng pisikal ay ang oras, araw, o dalas na maaaring tumawag o bumisita ang iyong biyenan. Samantala, halimbawa ng emosyunal ang pag-amin sa biyenan mo kung ano ang nararamdaman mo tuwing pinupuna niya ang mga desisyon mo o ang pagpapalaki mo sa mga anak mo.

– Huwag bigyan ng kahulugan ang bawat sabihin o gawin ng iyong biyenan. Magkaroon man kayo ng mas maayos na relasyon o hindi, subukan mong huwag isipin na lahat ng ginagawa niya ay patungkol sa iyo. Subukang intidihin ang kaniyang pinaggagalingan. Tandaan, hindi madaling baguhin ang mga nakaugalian na. Bigyan mo kayo ng chance na makapagbago.

Sa ayaw mo man o hindi, parte na ang pakialamerang biyenan mo sa buhay ninyong pamilya. Kailanagn lang na matutunan ng bawat isa na pakisamahan ng isa’t isa. (a)

It takes time, para makuha mo ang loob ng iyong biyenan. Sa kabilang banda, malaking bagay din ang naitutulong nila lalo na sa oras ng matinding pangangailangan.

(screen shot photos from “Biyenan,”  ASCOF LAGUNDI short film on facebook)

READ MORE ON OUR WEBSITE,

ATTENTION SH()PPERS, ALWAYS CHECK YOUR VALUABLE THINGS WHEREVER YOU GO

SOURCE: THE ASIAN PARENT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

Comments

comments